Ang Natatanging Babae

this is for you mom...Happy Mother's Day...i love you...

May isang natatanging babae sa aking buhay,

Na sa aking paglaki ay nagbigay ng kulay.

Siya ang aking ina, walang ibang makakatalo,

Kaibigan, inpirasyon, ang nag-iisa kong idolo.

Sabi nga ng iba, para kaming pinagbiyak na bunga

Aba! Hindi ba iyon isang karangalan na matawag na kamukha niya?

Kahit parehong maliit ang ilong at hindi katangkaran sa pamilya,

Masasabing kami naman ang mga pinakamasayahi’t  pinakamaganda!

Siguro nga’y ako’y nagmana sa kanya,

Parehong mahilig magnegosyo, umawit at magpinta.

Ngunit sa galing niya, ay marami pa siyang kakayahan,

Abogada, Mekaniko, Mang-aawit, Pintor, at kung ano-ano pa!

Sa mga pangarap ko sa buhay ay palagi siyang sumusuporta,

Siya ang natatangi kong kakampi sa lahat ng bagay twina.

Mapa-gimik man o pag-aaral, nandiyan siya parati para gumabay,

Hay kay sarap talaga ng buhay kung mayroon kang nanay!

Bilib ako sa kanyang tapang, husay at talino,

Isang ulirang inang may talento at handang sundin ang gusto.

Kahit siya’y naniniwala sa mga hula at superstisyon,

Para sa kanya’y:

“Ang kapalaran ng tao’y nakaubaya parin sa Diyos at sa kanyang sariling desisyon.”

Problema sa pag-ibig, handa siyang makinig

Kahit hindi pa ako nakapagsasalita’y parang narinig na niya ang aking tinig.

Marami pa sana akong nais isulat, tungkol sa aking ina,

Ngunit sa sobrang dami nito, baka makagawa na ako ng nobela!

O mahal kong ina, nakakalungkot na ika’y nalayo,

Iniwan ang inang bayan upang makipagsapalaran sa ibang mundo.

Ngunit wag kang magalala dahil naiintindihan ko,

Na para sa aming ikabubuti ang dakilang dahilan mo.

Para sa aking ina, na sa puso ko’y walang makakatalo,

Ikaw ang natatangi kong kaibigan, inpirasyon, at idolo.

Araw-araw kong ipinagdadasal, ang kasiyahan at kabutihan mo,

At sa susunod na taon, hayaan mo, magkakasama na muli tayo.

I'd Rather

to that “someone” in my dream, who promised to be honest...

I'd rather not talk anymore, coz if I do, I'll just hear some things that I don't want to hear, or I'll just expect some things that will not come.

I'd rather not think of memories that never happened in reality, coz if I do, I'll be forever living in a dream that will not happen.

I'd rather keep my feelings to myself, coz if I don't, it will only make that someone feel bad. I'd rather stop complaining about the things I don't understand, coz I'm sure that someone is sick and tired of making a stand.

I'd rather stop demanding, the things that are impossible to have. I'd rather be alone and be slain, than to be with that someone and feel that rushing pain.

I keep telling myself: "I understand...", of course, I really do, but I don't know if deep inside, that someone understands me too.

I tell things that make me happy, while that someone tells me things that makes life sad. That someone worries about me if I’m silent, but when I’m the one whose worried I feel like I’m being tormented.

I've been a burden to that someone for so long, and I feel that my presence only makes things worse. Before I met that someone, my life was nothing but normal. But before that someone met me, life was as peaceful as a seagull.

So I decided: "I'd rather stop this connection between us, coz it will be for our own good. I should make that someone’s life like before...life without me, life without pressure."

I guess it is better for me to leave now, and say to that someone: "goodbye", it is better than to just fall into silence… it is better than not to tell why...